Chapter 91
Naiinis ako sa sarili ko!
Bakit hindi ko magawang iuwi ang sarili kong pamilya sa pamamahay ko? Bakit hanggang ngayon magkahiwalay pa rin kami ng bahay ng asawa at mga anak ko?
Marami akong mga pag-aari na bahay, hacienda, mansyon pero hindi pa rin buo. Alam kong may kulang na kahit marami akong pera na pwedeng pambili ay hindi ko makuha kung ano ang kulang na tinutukoy 1<0.
Bakit kahit anong gawin ko hindi ko siya makuha. Hindi ko pa rin mapa-uwi si Karen. Sinusuyo ko naman siya tulad ng isang manliligaw.
Araw-araw akong nagbibigay ng bulaklak, chocolates at kung anu-anong mga pagkain na alam kong paborito niya. Kung hindi nga lamang sa mga negosyo na pinapatakbo ko sa iba l t-ibang lugar ay magtatagal ang pananatili ko sa bahay niya. Gusto ko silang makasama kahit saan kami tumira.
Sa isang banda, tama naman si Karen sa kanyang mga sinabi. Ako ang may kasalanan kung bakit nawalan ako ng karapatan sa kanya. Ako naman talaga ang dapat sisihin kung bakit nagkahiwalay karni. Hindi ko siya masisi dahil wala namang ibangdapat sisihin kundi ang sarili ko lang.
Ngunit handa akong magtiis kahit ilang beses niya akong ireject. Kahit ilang beses niya pa akong barahin sa mga sinasabi ko. Kahit magsalita pa siya ng masama laban sa akin ay buong puso kong tatanggapin.
Natatawa na nga lamang ako dahil sarili kong asawa ay basted lagi ako.
Handa akong maghintay hanggang sa magbago ang isip niya.
Marahil natatakot na lamang ang asawa ko na muli akong pagbigyan dahil wala naman akong ipinakita na maganda sa kanya ng nag sasama pa kami sa iisang bubong.
Batid kong likas na may mabuting puso si Karen ngunit nasagad ko ang limitasyon ng kanyang pasensya na siyang dahilan kung bakit nahihirapan akong pa amuhin siya.
"Pa, maganda po ba itong damit at saka ano po ang mas maganda? Ito pong barbie o ito pong lutu-lutuan?"
Tanongsa akin ni Seb habang hawak ang
isang dress na kulay pink, isang set ng barbie doll at isang kitchen set na laruan.
Sa tuwing bibilhan ko siya ng bagong damit at laruan ay hindi pwedeng hindi niya isisingit na magpabili rin ng damit pambabae o kaya naman ay mga laruang pambabae rin.
Nagtataka man ay hindi naman kami nagtanong pa ni Selene sa bagay na 'yon. Hinayaan na lamang namin siya sa paniwalang baka ibinibigay niya isang batang babae na kalaro o kaya ay kaklase sa eskwelahan.
Kasama ko ngayon si Seb sa isang malapit na mall kung saan nakipag meeting ako sa isa sa mga business partners 1<0. Saglit lang naman kasi ang meeting at wala rin namang klase ang anak ko kaya isinama ko na upang magka bonding pa rin kami. Si Santino ay may pasok kaya hind kasama ngayon.
"Parehong maganda. Mabuti pa ay bilhin na lang natin lahat ng mga hawak mo upang huwag ka ng mag-isip kung ano ang mas maganda at huwag kang mag-alala kahit anong piliin mo sa mga hawak mo ay tiyak na magugustuhan ng pagbibigyan mo." Sagot ko naman at hinawakan ko pa ang damit na siguradong magugustuhan ng sinuman na pinagbibigyan ng anak ko dahil sa ganda ng damit.
"Talaga PO? Salamat PO, Papa." Pasasalamat sa akin ni Seb na bakas ang kasiyahan sa mukha habang pinagmamasdan ang mga gamit pambabae na kanyang mga pinili.
"Seb, tanong ko lang anak. Kanino mo ito ibibigay? Sa kalaro mo o sa kaklase mo? " wala sa
100b na naitanong 1<0. Gusto ko lang na magkwento si Seb para malibang na rin at hindi mainip habang kasama ako.
Umiling ang anak ko at saka sumagot. "Kay Sam po 'yan, Papa."
"Sam? Sino si Sam? Kaklase mo o kalaro mo?" kunot-noo kung tanong.
"Hindi ko po siya kaklase at lalo po na hindi ko siya kalaro. Bakit hindi niyo po kilala si Sam?
Kakambal ko po si Sam. Kapatid ko po siya, Papa."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinagot ni Seb.
Kakambal? Kapatid?
"Sure ka ba Seb, na may kakambal ka?" naninigurado kong tanong.
"Opo, Papa. Kahit magtanong pa po kayo kay Mama." Bibong sagot ng anak ko na tuwang-tuwa na pinagmamasdan ang mga darnit habang papunta sa counter para makapag bayad na kami sa aming mga pinamili.
Bigla akong naguluhan. Anong kakambal?
Sino angtinutukoy ni Seb na kakambal? Ewan, ngunut waring dinunggol ng hindi mapaliwanag ba kaba ang akingdibdib.
"Kung ganun, nasaan ang kambal mo? Nasaan si Sam? Bakit hindi niyo siya kasama?" sunod-sunod kong tanong.
"Nasa malayo po kasi siya Papa. Kaya nga po nag-iipon ako ng mga ibibigay ko sa kanya bilang pasalubong kapag nagpunta na naman kami ni Mama sa kanya. Miss ko na nga po si Sam, matagal na rin na hindi kami nagpupunta sa kanya."
Hindi ako makapaniwala.
May kakambal si Seb pero walang nabanggit si Karen. Bakit?
Pinaampon niya ba ang isa sa mga anak ko?
Madali kong tinapos ang pamamasyal namin ni Seb. Kailangan naming magkita ni Karen sa lalo't madaling panahon. Kailangan ko siyang komprontahin tungkol kay Sam.
Iniwan ko muna si Seb kay Selene upang hindi niya marinig ang anuman na maging pag-uusap namin ng kanyang Mama.
Hindi talaga ako mapakali sa nalaman. Anongdahilan ni Karen upang ilihim sa akin ang bagay tungkol sa isa ko pang anak?
"Senyorito, nasaan si Seb?" agad na tanong sa akin ni Karen matapos akong mabilis na umibis sa aking sasakyan.
"Iniwan ko muna kay Selene dahil may mahalaga tayong pag-uusapan." Seryoso ang sagot ko na nagpa kunot sa noo ni Karen.
"Totoo bang may kakambal si Seb?" diretso kong tanong.
Nakita ko ang pagkagulat at pagtakas ng kulay sa mukha ng aking asawa. Natigilan siya at waringnaumid angdila.
"So, totoo ng may kakambal si Seb? Kaya pala kapag binibilhan ko siya ng kahit anong bagay ay lagi siyang may kasamang laruan na pambabae o damit na pambabae. Akala ko noong una ay baka ibibigay niya lamangsa kanyang kalaro o kaya naman sa kaklaseng babae. Kanina ko lang siya tinanong at sinabi niya nga ang tungkol sa kambal niya na siyang pagbibigyan niya ng mga laruan at mga damit."
Litanya ko ngunit nanatili lamang nakatingin sa akin si Karen.
"Karen, nasaan ang kakambal ni Seb? Nasaan ang anak ko? Pinaampon mo ba siya? Pinamigay?" sunod-sunod kong tanong.
"Gusto mo ba talaga siyang makita? l' walang emosyon na tanong ni Karen.
Chapter 92
"00, gusto kong makita ang anak kong si
Sam. Kaya ngayon din ay dalhin mo ako sa kanya. Gusto kong makilala ang kambal ni Seb." Tila nag-isÏp muna si Karen at saka nag buntong-hininga.
"Sige, dadalhin kita sa kanya kung 'yan ang gusto mo. Siguro nga ay panahon na para makilala mo si Sam."
Tila nasabik ang puso ko na makilala ang babae kong anak. Nagmamadali akong sumunod sa direksyon na sinasabi ni Karen habang nagmamaneho ako ng aking sasakyan. llang sandali na lamang ay makikita ko na ang isa ko pang anak.
"Anong itsura ni Sam? Sino ang kamukha niya? Kilala niya ba ako? Bakit ba kasi hindi niyo siya kasama? Sabi ni Santino ay pinupuntahan niyo lang siya?" mga katanungan ko kay Karen ngunit nanatili lang siyang nakatingin ng diretso sa daan at waring balak na sagutin anuman sa mga katanungan ko.
"Karen, bakit ba angtahimik mo? Pinamigay mo ba ang anak ko? Pina-ampon mo ba si Sam
kung saan at kung kanino? Bakit ba ayaw mo akong sagutin, Karen?" muli kong mga tanong.
"Hinding-hindi ko kailanman magagawa na ipamigay o ipaampon ang sinuman sa mga anak 1<0." Walang emosyon na sagot ni Karen at nanatiling seryoso na may halong lungkot sa kanyang mukha..
"Kung ganun ay bakit hindi ka makapag kwento tungkol sa anak kong si Sam? Ano ba ang nangyari, Karen?"
"Senyorito, iliko mo sa daan na 'yan. Kapag nakita mo si Sam, lahat ng katanungan mo ay m asasagot."
Ngunit laking pagtataka ko dahil ang daan na aming tinatahak ay papunta na ng hacienda Sto. Domingo. Ngunit ang direksyon na aming binabagtas ay hindi patungo sa nasasakupan kong lupain kundi patungo kung nasaan ang matatagpuan ang isang lumang sementeryo.
Hindi nga nagtagal ay nakikita ko na ang arko ng lumang sementeryo at doon sa harap ng malaking lumang gate na kinakain na ng kalawang pinahinto ni Karen ang aming sasakyan.
Nagpati-unang bumaba si Karen sa sasakyan at malungkot na tinanaw ang sementeryo na nasa harapan. Ewan ko ba, parang ayoko ng
bumaba ng sasakyan. Tila ayaw ng kumilos pa ng aking mga paa at ayaw ko ng magpunta sa kung saan ko makikita si Sam. Waring bigla akong tinakasan ng lakas
May binubulong ang hangin na isang sapantaha sa utak ko ngunit pilit kong winawaksi at pinapatangay muli sa malamig na hangin.
Kahit ayokong kumilos ay dahan-dahan akong humakbang upang sundan ang paglalakad ni Karen habang nilalampasan namin ang ibang mga lumang nitso kung saan nakahimlay ang mga patay.
Hanggang sa tumigil kami sa tapat ng isang puntod.
Agad kong nabasa ang dalawang pangalan na nakaukit sa lapida.
Karina Caspillan ang nakasulat sa ibabaw na walang iba kundi ang aking biyenan ko na Nanay ni Karen. Habang ang isang pangalan ay malinaw ko rin nabasa at pinakatitigan. Nahinto ang pag-inog ng mundo ko. Nagsimulang manlamig ang pakiramdam ko. Tila nakalimutang kumurap ng aking mga mata at maging ang paghinga ng mahinahon ay nakalimutan ko ng gawin.
Baby Samantha ang pangalawang pangalan na nakaukit sa lapida.
Lumapit si Karen sa lapida at inalis ang mga tuyong dahon na nasa paligid nito.
"Nay, pasensya na po kung ngayon na lang ako ulit nakadalaw. Alam niyo naman po na nag-aaral na angdalawa mong apo." Wika ni Karen sa kanyang Nanay na pumanaw na.
"Sam, anak, narito na ulit si Mama. Pasensya na anak at madalang na akong makadalaw sa inyo ng Lola Karina mo. Huwag mong isipin na hindi ka mahal ni Mama kaya hindi kita madalas na dinadalaw. Nag-aaral na kasi si Kuya Santino at ang kambal mongsi Seb. Hayaan mo at sa bakasyon nila sa eskwela ay lagi na ulit kami na mag pupunta clito sa inyo ng Lola mo. At alam mo ba anak kung sino ang kasama ko ngayon at ipakikilala sayo. Alam kong gusto mo rin siyang makilala. Maya Sam, anak, kasama ko ngayon ang Papa mo."
Tila tuluyan na akong nawalan ng lakas. Napaluhod na lamang ako sa harap ng puntod at nanatiling nakatitig sa lapida kung saan nakasulat ang pangalan ng isa ko pang anak. Ngayon ko lang nalaman na may isa pa akong anak maliban kay Santino at Seb. Ngunit ngayon ko langdin nalaman na wala na siya. Patay na siya at hindi man lang ako nagkaroon ng pagkakataon na makilala man lang siya.
Lumapit sa akin si Karen.
"Senyorito, si Samantha, ang sanang kakambal ni Seb. Ang isa rin sa mga anak natin. Ang totoo hindi ko alam kung ano nga ba ang kasarian niya pero bilang Nanay, malakas ang kutob ko na kung nabuhay sana siya ay isa siyang babae. At alam kong kamukhang-kamukha niya sana si Selene. Kaya nga sa tuwing makikita ko si Selene ay masaya akong pinagmamasdan ang mukha niya. Iniisip ko kasing nakikita ko sa kanya ang mukha ni Sam na hindi ko man lang nakita." Nakangiting saad ni Karen habang nakadantay ang mga kamay sa aking balikat.
"Pa-paano siyang nawala? Paano Karen? Paano? 'l lito na ang isip ko. Paano nawala ang isa sa kambal ko gayong buhay si Seb?
Kanina lang may saya akong nararamdaman ng malaman kung may kakambal si Seb na isang babae. Tapos biglang napalitan ng pinaghalong lungkot, panghihinayang at galit.
"Paano siya nawala?!" Sumisigaw na tanong sa isip ko.
"Naalala mo ba noong nagkasagutan tayo dahil sa natapunan ni Santino ngjuice ang mga papeles na kaharap mo? Umalis ka ng bahay hindi ba?" tanong ni Karen.
00, tandang-tanda ko ang araw na Iyon dahil
iyon na rin ang huling araw na nakita ko sila ni Santino sa bahay.
"Dinugo ako dahil buntis na pala ako ng hindi ko alam. Nakaligtas si Seb dahil agad akong naitakbo sa ospital pero, hindi si Sam." Malungkot na kwento ni Karen.
Kasalanan ko na naman pala. Kasalanan ko na naman angnangyari.
Kung hindi ko siya sinigaw-sigawan ng araw na 'yon ay malamang na hindi siya ma-iistress. Kung tinutulungan ko siya sa pag-aalaga kay Santino ay malamang na hindi siya mapapagod at duduguin.
Lahat ng mga iyon ay kasalanan ko.
Kasalanan ko kung bakit nawalan ako ng isanganak.
Kasalanan ko!